Dry run para sa No Window Hour Policy, simula na ngayong araw

Sinimulan na ngayong araw ang dry run para sa “No Window Hour” Policy sa number coding scheme.

Sa ilalim ng No Window Hour Policy, pinagbabawal na ang mga pribadong sasakyan, depende sa kanilang plaka, na magbiyahe mula alas siyete ng umaga hanggang alas siyete ng gabi.

Sa naturang dry run, inalis na ang window hour na karaniwang nagsisimula ng alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Apektado ng No Window Hour Policy ang edsa, C5 road, Roxas Boulevard, Alabang-Zapote Road, Mandaluyong, Makati, at Las Piñas.

Magtatapos ang dry run sa biyernes, Oktubre a-katorse habang tuluyan naman itong ipapatupad sa Oktubre a-disi syete.

Hindi naman magbibigay ng traffic violation tickets sa dry run ng window hour policy pero sasabihan ang mga lalabag dito.

Speak Your Mind

*