DSWD-Region1, hinikayat ng publiko sa tamang pagtrato sa mga senior citizen

Nagpaalala ngayon ang Department of Social Welfare and Development o DSWD-Regional Office 1 sa publiko ng tamang pagtrato sa mga senior citizens o ang ating mga lolo at lola.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Irene Cubangbang, Information Officer ng DSWD-Region 1 na ito ay sa ilalim na ipinapatupad ng Republic Act No. 9994 o mas kilalang “Expanded Senior Citizens Act of 2010”.

Dapat aniyang malaman ng publiko ang mga benipisyo at probelihiyo na dapat ipagkaloob sa ating mga lolo at lola.

Hindi rin umano dapat mawala ang mga prebilihiyo sa mga senior citizen na dalawampung porsyentong diskuwentro kung bibili sila sa mga drug store, restaurant at iba pa.

Speak Your Mind

*