DTI, isinusulong ang pagpapalago ng cacao industry sa Pangasinan.

Isinusulong ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapalago ng Cacao Industry sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay Marjorie Loresco, Consumer Welfare Division Chief ng DTI-Pangasinan, ay sa ilalim ng roving academy program ng ahensya na nagbibigay ng libreng pagsasanay sa mga Micro and Small Enterprise (MSE).

Dahil dito, hinihikayat ni Loresco ang publiko na magtanim ng cacao sa mga bakanteng lupa dahil sa potensyal na malaki ang kikitain rito ng mga Cacao Producers.

Samantala, nakatakda namang magsagawa ng consumer forum ang DTI sa darating na October 14 ngayong taon na dadaluhan ng mga retailers sa lalawigan at mga consumer council ng ahensya bilang bahagi sa kanilang programa na consumer empowerment.

Speak Your Mind

*