DTI, nagbabala na walang dapat pagtataas ng presyo sa mga produkto

Nagbabala si Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Teodoro Pascua sa mga magsasamantala sa pagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto ngayong panahon ng bagyo.

Giit ni Pascua, iligal ang anumang paggalaw ng presyo dahil sa ipinatutupad na price freeze.

Una ng ipinatupad ang price freeze sa mga produkto kasunod ng idineklarang State of Emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasahang tatagal ang freeze order hanggang Nobyembre a-tres ng taong kasalukuyan.

Speak Your Mind

*