Duterte, nakakuha ng mataas na performance ratings sa ikatlong quarter ng taon

Aprubado pa rin ng karamihan ng mga Pilipino ang performance ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong quarter ng taon.

Nakakuha si Duterte ng 86 percent performance rating, mas mababa sa 91 percent na nakuha nito noong ikalawang quarter.

Nakakuha naman ng performance rating na 66% si Vice President Leni Robredo habang 61 percent ang nakuha ni Senate President Koko Pimentel.

Nakakuha naman ng 43 percent performance rating si House Speaker Pantaleon Alvarez habang 46 percent naman ang kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Isinagawa ng Pulse Asia ang survey mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 1.

Speak Your Mind

*