Hirit ni Sen. Ejercito na makalabas ng bansa, pinagbigyan ng Sandiganbayan

Pinagbigyan ng Sandiganbayan fifth division ang motion to travel na inihain ni Senador J.V Ejercito.

Sa inihaing mosyon ng senador, hiniling nitong magbiyahe sa Hong Kong mula Oktubre 14 hanggang 16 para tulungan ang asawa na mag-asikaso ng retirement benefits nito.

Ang asawa ng senador ay nagtrabaho sa Cathay Pacific sa Hong Kong.

Nakapagposte na rin si Ejercito ng sixty thousand pesos na travel bond para sa naturang biyahe.

Speak Your Mind

*