Ika-11 taong anibesaryo ng DZRD Sonshine Radio, mabenipisyuhan ang mahigit 300 mga bata

Matagumpay ang katatapos lang na ika-11 taong anibesaryo ng DZRD Sonshine Radio na mabenipisyuhan ang mahigit tatlondaang mga bata ng gift giving at feeding program.

Ang mga bata ay mula sa Heavens Foundation sa barangay Bonuan Binloc, Childrens Joy Foundation, sa lungsod ng San Calros, Balani Daycare Center sa Calasiao, Poblacion Oeste Daycare Center sa Dagupan City, Inlambo Daycare Center sa Mangaldan, at mga kabataan mula sa Sitio Calamyong sa Dagupan City at Nibaliw sa bayan ng San Fabian.

Napuno ng galak at kasiyahan ang mga bata maging ng kanilang guardian sa ibat-ibang palaro kung saan ang lahat ng sumali ay nakatangap ng pa-premyo.

Nagpakita rin ang mga bata ang kanilang talento sa pagsayaw at pagkanta.

Nakatanggap din ng maagang pamasko at school supplies ang mga bata mula sa pamunuan ng Dzrd sonshine sa tulong narin ng sponsor ng Star Candy, Gardenia, MSE Shoes, Prestige International, Bounty Agro Ventures Inc, Fabrigar Merchandizing at marami pang iba.

Speak Your Mind

*