Ikalawang missile launch ng North Korea, pumalya

Naglunsad ng intermediate-range missile ang North Korea pero pumalya ito.

Ayon sa South Korean Military, ito na ang ikalawang pumalyang missile launch ng North Korea.

Ang naturang missile ay walong beses nang sinusubukan ngayong taon at isa beses pa lang naging matagumpay ang paglulunsad nito.

Ang naturang missile ay pwede umanong tumama sa mga base militar ng Amerika hanggang sa Guam.

Kinundena naman ng Amerika at United Nations ang naturang missile launch.

Speak Your Mind

*