Ilang proyekto sa ilalim ng Energy Regulations, isinasagawa ng Team Energy

Tuloy-tuloy ang isinasagawang proyekto sa ilalim ng Energy Regulations o ER1-94 ng Team Energy at Department of Energy (DOE) sa ilang mga barangay sa bayan ng Sual, Pangasinan.

Ilan na lamang dito ang pag-supply at pag-install ng CCTV security and surveillance system sa Pabuyao, barangay Pangascasan at construction ng road shoulder sa Sitio Centro.

Nakikibahagi ang Team Energy sa ER1-94, isang kasunduan kung saan ang mga power generation facilities tulad ng Sual Power Station ay magbibigay ng one centavo per kilowatt hour ng kanilang benta para sa iba’t ibang mga programa sa kanilang host community sa sitio, barangay, munisipalidad at maging sa buong probinsya.

Ang Team Energy ang kumpanyang nagpapatakbo ng Sual Power Station sa lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*