Ipinapatupad na apat na Scholarship Program ng TESDA, nagpapatuloy

Tuloy-tuloy ang ipinapatupad na scholarship program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Genevieve Sanchez, TESDA Specialist II, na ito ay kinabibilangan ng apat na category, gaya ng Private Education Student Financial Assistance o PEFSA, Training for Work Scholarship Program o TWSP, Special Training for Imployment Program o STIP at Bottom-Up Budgeting o BUB.

Sa ilalim aniya ng nasabing mga scholarship program ng TESDA, ang lahat ng mag-enrol dito walang babayaran kundi magkakaroon pa sila ng allowance, free assessment at free training.

Dagdag pa ni Sanchez na sa isinasagawang training ng TESDA ay mayroong  school based kayat maaari silang mag-aral sa private o public institution na registered sa TESDA.

Speak Your Mind

*