Isasagawang DRRM course ng OCD Region 1 katuwang ang mga media, kasado na

Kasado na ang isasagawang Basic Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) course para sa mga media personnel ng Office of Civil Defense (OCD) Region 1.

Ang nasabing DRRM Course na isasagawa sa lungsod ng Baguio ay dadaluhan ng ilang miyembro ng media at mga opisyal ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno.

Inaasahan naman na tatalakayin ang mga module na naglalaman ng topiko gaya ng Understanding Hazards 1, Philippine Drrm System, Climate Change Adaptation (Ccc), Disaster Prevention & Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Rehabilitation & Recovery.

Tatagal namang ng tatlong araw ang pagtitipon na magsisimula sa darating na a-18 ng Oktobre hanggang a-20 ng Oktobre ngayong taon.

Speak Your Mind

*