Itatayong petro-chemical plant sa Sual, magpapataas ng ekonomiya ng Pangasinan

Inaasahang magdaragdag sa paglago ng ekomoniya ng Pangasinan ang planong pagtatayo ng petrochemical plant and oil refinery complex sa bayan ng Sual sa pamamagitan ng Kampac Corporation mula Dubai.

Ayon kay Governor Amado “Pogi” Espino III, pinaplansya na ang ilang detalye bago maisagawa ang MOA sa pagitan ng Kampac Group of Company at Provincial Government.

Sinabi pa ni Espino na ang nasabing multi-billion dollar petro-chemical complex na posibleng maitayo sa bayan ng Sual ay sinimulan ang negosasyon noong pang nakaraang administrasyon ni dating governor at ngayo’y Cong. Amado T. Espino Jr.

Kapag nasimulan ang pagpapatayo ng Kampac Energy City sa Sual ay inaasahang makakapag-produce ito ng 1 milyong barrels ng langis kada araw

Nabatid na una nang naka-plano na itayo ang nasabing planta sa lalawigan ng Bataan, ngunit mapalad aniya ang Pangasinan dahil dito na ito planong itayo.

Positibo naman si Espino na magdaragdag ng revenues, trabaho, at livelihood ang nasabing proyekto sa Pangasinan

Speak Your Mind

*