Jake Cuenca at Sara Grace Kelley, hiwalay na

Single na muli ang aktor na si Jake Cuenca matapos ang hiwalayan nila ng modelong si Sara Grace Kelley.

Ayon kay Jake, si Sara Grace ang nakipaghiwalay dahil sa long distance relationship.

Si Sara Grace ay nakatira ngayon sa Amerika.

Sinabi pa ni Jake na sinubukan nilang punan ang kakulangan nila sa isa’t isa pero hindi rin sila nagtagumpay dito.

Matatandaan na naghiwalay na rin ang dalawa noong December 2015 at muling nagkabalikan noong Hunyo.

 

Speak Your Mind

*