Jessie Vargas, walang pakialam kung underdog sa laban kay Manny Pacquiao

Balewala kay WBO Welterweight Champion Jessie Vargas (27-1) kahit underdog siya sa laban kay eight-division world champion Manny Pacquiao, sanay na daw siyang maging underdog.

Ang pagiging underdog, ayon kay Vargas, ang gagamitin niyang motibasyon para silatin ang pambansang kamao sa kanilang November 5 fight sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.

Samantala, dahil sa pagbitiw ng HBO, ang Top Rank na ang magdi-distribute ng pay-per-view ng nasabing laban.

Ito ang magsisilbing comeback fight ni Pacquiao matapos ang apat na buwang pagreretiro, sapul nang huling lumaban at talunin si Timothy Bradley noong Abril.

Speak Your Mind

*