Kahalagahan ang tradisyon at kultura ng mga Filipino, dinigyang diin ng NCCA

Binigyang diin ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang kahalagahan ang Filipino culture and arts kayat dapat umano itong ibalik, at buhayin ang mga kinagisnang tradisyon.

Ito ang inihayag ni Dr. Edwin Antonio, hepe ng National Committee on Northern Cultural Communities, ng NCCA sa ginanap ng kapihan sa ilocos sa pangunguna ang Philippine Information Agency (PIA).

Ayon kay Antonio, mandato na umano ng NCCA na protektahan at ipalaganap ang mga nawawala nang kultura ng filipino para makita at malaman pa ito ng susunod na henerasyon.

Nakakabahala umano ang epekto sa mga kabataan ang mga modernong teknolohiya gaya ng cellphone dahil posibleng maging dahilan na makalimutan nila ang tradisyon at kultura ng mga Filipino.

Dahil dito, binuo ang Culture Promotion Project kung saan ito ay isang massive information sa buong Luzon upang maabot at maipalaganap ang kahalagahan ng culture and arts.

Speak Your Mind

*