Kahalagahan ng permit sa pagpuputol ng puno, nilinaw ng PENRO

Nilinaw ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang kahalagahan ang pagkakaroon ng permit sa pagpuputol ng punong kahoy.

Isa na umanong halimbawa rito ang hanggang ngayo’y nakahambalang na mga punong kahoy sa isinasagawang road widening sa kahabaan ng Manila North Luzon Road dahil sa pagtutol ang mga invironmentalist.

Ayon kay Wendy Co, PENRO Officer ng Pangasinan, hanggang ngayon ay may agrumento pa kung papayagan o hindi ang pagputol sa mga puno para bigyang daan ang road widening.

Giit naman ni Co na hindi siya tutol sa road widening ngunit nakakalungkot lang aniya na hindi nagiging epektibo ang nasabing kalsada sa pagluwang ng trapiko dahil ginagawa lamang itong solar dryer ng palay ng  mga magsasaka.

Ang tinig ni Wendy Co, PENRO Officer ng Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*