“Kalusugan Karaban”, isinasagawa ng PHO sa mga remote barangay sa Pangasinan

Kasalukuyang ipinapatupad ngayon ng Provincial Health Office (PHO) ang kauna-unahang “Kalusugan Karaban” na isinasagawa ang mga remote o malalayong barangays sa Pangasinan.

Ayon kay Dahlia Dumantay, Health Education Promotion Officer ng PHO ito ay isang program na pinangunahan ni Karina Espino, butihing asawa ni Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino na isinasagawa tuwing biyernes.

Sa temang “Pangkalusugan Serbisyo na Organisado ng Gobyerno Hatid sa Inyo,” lumalapit ang “Kalusugan Karaban” sa mga barangay upang magbigay ng libreng serbisyo gaya ng feeding program, medical at dental activity.

Kasabay nito, nagsasagawa rin umano ang PHO para sa mga buntis sa pamamagitan ng pagbibigay ng lecture tungkol sa maternal and neo-natal health care, facility-based deliveries, child health, nutrition at family planning.

Speak Your Mind

*