Kamara, tuluyan ng tinukdukan ang pagdinig sa iligal na droga sa bilibid

Tinapos na ng House Committee on Justice ang pagdinig kaugnay sa transaksyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison

Ito ang inihayag ni Congressman Reynaldo Umali, chairman ng komite sa programang usaping bayan sa SMNI News Channel.

Nabanggit ng mambabatas ang ilan sa mga batas na dapat nilang balangkasin o ameyndahan gaya ng Anti-Wire Tapping, Bank Secrecy at Bureau of Corrections Law

Bagamat tungkulin ng mga taga oposisyon na salungatin ang kanilang ginagawa sa mayorya, naniniwala naman si umali na nagampanan niya ang kanyang tungkulin bilang chairman,

Binigyang diin ni Umali na naging eye opener ang nasabing pagdinig na ayusin at baguhin ang kasalukuyang sistema sa Bilibid.

Speak Your Mind

*