Kaso ng dengue sa Pangasinan, mababa parin ngayong taon

Mas mababa parin ngayong taon ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan kumpara noong nakaraang taon.

Batay sa tala ng Provincial Health Offcie (PHO) umabot na sa 2,853 ang kaso ng dengue ngayong taon, mas mababa kaysa sa 3,380 sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Mas mababa rin ang naitalang namatay na pumalo na sa labing apat kumpara noong 2015 ng labing walo.

Ngunit ayon kay Dr. Cielo Almoite, Assistant Provincial Health Officer ng PHO, kung magpapatuloy ang pagtaas ng suspected dengue cases sa Pangasinan ay kailangan na nila ng dengue vaccine.

Sakali naman umanong walang maibigay na dengue vaccine ang Department of Health (DOH) ay mapipilitang bumili ang probinsya upang maturukan ang mga bata na nasa lugar na may mataas sa kaso ng dengue.

Speak Your Mind

*