‘Killer Clowns’ sa Amerika, umabot na hanggang United Kingdom

Umabot na hanggang sa United Kingdom ang nauusong ‘Killer Clowns’ na unang nagsimula sa Estados Unidos.

Ayon sa ulat, inum­pisahan ng ilang mga walang magawang indibiduwal sa bansang Amerika ang pananakot kung saan ay nagbibihis payaso ang mga ito at may bitbit na patalim at palakol.

Sinasabing pakay ng mga ito na takutin ang kanilang bibiktimahin na tila ay akma nilang papatayin.

Dahil dito, naaalarma na ang mga awtoridad dahil sa mga serye ng nasabing pagbibiro na laganap na sa ilang estado ng Amerika kabilang ang South Carolina at New York

Sa ngayon, mula Amerika ginaya na ito sa maraming lugar sa United Kingdom partikular na sa Newcastle, Caernarvon, Manchester, Sheffield, Liverpool, Sudbury, Claxton at Leeds.

Speak Your Mind

*