Labing-apat na bagong P2P bus, inilunsad ngayong araw

Inilunsad ngayong araw ng Department of Transportation ang labing-apat na bagong bus para sa Point to Point Bus Service ng ahensya.

Ang labing-apat na P2P bus ay may rutang Trinoma Mall sa Quezon City papuntang Glorietta sa Makati.

Lima naman sa mga P2P bus ay para sa persons with disabilities habang dalawa ang vip double decker bus, at pito ang VIP semi-double decker bus.

Ang labing-apat na bagong bus ay para sa mga pasaherong maaapektuhan ng no window hours policy.

Nasa dalawampu hanggang tatlumpung minuto ang inaasahang mababawas sa oras ng binabiyahe sa pagsakay sa P2P bus.

Speak Your Mind

*