Libo-libong trabaho, naghihintay sa isasagawang Mini Jobs Fair ng Pangasinan Peso

Libo-libong trabaho ang maghihintay sa isasagawang Mini Jobs Fair ang Provincial Employment Services Office o PESO bukas, ika labing tatlo ngayon buwan ng Oktobre.

Ang nasabing Mini Jobs Fair na lalahukan ng mga local at overseas company ay gaganapin sa tanggapan ng Pangasinan PESO na matatagpuan sa Alvear St. Capitol Complex sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay PESO Manager Alex Ferrer, kabilang ang mga kumpanya na lalahok sa jobs fair ay ang Bestone Human Resource Services, Option Plus Services and Trading/Red Dragon Farms, Phillipine OPPO Mobile, Magic Group of Companies, Havillah Int’l Manpower services/K.S.A, Kuwait, Jordan, Oman, Qatar at BS International Servics and Placement Agency.

Bukas naman sa mga jobs seekers ang mga trabaho dito sa bansa gaya ng cashiers, frontliners, merchandisers, delivery riders, production crew, drivers, barista, kitchen crew, account executive, marketing officer, management trainee, graphic artist, junior auditor at marami pang iba.

Naghihintay naman ang mga trabaho sa abroad tulad ng heavy equioment driver, carpenter, plumber, tile setter, mason, painter, laborer, waiter, coffee makers, saleslady, nurse, physiotherapy, technician, nurse, occupational theraphy, general cook, dental technicail at x-ray technician.

Speak Your Mind

*