Limang katao, patay sa pananalasa ng bagyong Chaba sa South Korea

Limang katao na ang naitatalang patay dahil sa pananalasa ng typhoon Chaba sa hilagang bahagi ng South Korea.

Una nang nanalasa ang bagyo sa Southern Part ng Jeju Island.

Kanselado na rin ang nasa dalawampu’t anim na flights habang wala na ring kuryente sa maraming lugar sa naturang bansa.

Isinara naman ang pinakamalaking port sa siyudad ng Busan habang patuloy na kumikilos ang bagyong Chaba patungong Japan.

Suspendido rin ang ilang biyahe ng KTX Bullet Train dahil sa power interruption.

Speak Your Mind

*