Limang Race Walkers ng Russia, suspendido matapos magpositibo sa ilegal drugs

Suspendido ng apat na taon ang limang Russian Race Walkers matapos magpositibo sa ipinagbabawal na gamot.

Nagpositibo ang lima, kabilang si 2013 World Championship Silver Medalist Mikhail Ryzhov, sa blood-boosting epo noong Enero 2015 sa National Training Center ng Russia.

Kabilang din sa suspendido sina dating European championship medalist na sina Ivan Noskov, Elmira Alembekova, Vera Sokolova at Ivan Noskov.

Napag-alamang sinubukan pang harangin ng ibang mga atleta at coaches ang mga drug testers.

Speak Your Mind

*