Limang taong validity sa driver’s license, posible nang ipatupad sa Nobyembre

Posibleng sa mga susunod na buwan ay epektibo na ang pagbibigay ng limang taong validity sa driver’s license.

Ito ang kinumpirma ni Reuel Hotaro, Administrative Officer ng Land Transportation Office (LTO) Regional Office 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan tiyak umano maraming mga motorista ang matutuwa rito.

Ayon kay Hotaro, ipatutupad na ngayong buwan ng Oktober sa LTO Central Office ng pagbibigay ng lisenya sa mga non-professional, professional at conductor’s drivers license na maaaring i-renew sa kada limang taon batay narin sa Administrative Order 2016-034.

Habang dito naman sa rehiyong uno ay posibleng ipatupad ito sa susunod na buwan ng Nobyembre.

Nabatid na una nang nagkabisa ang naturang kautusan noong Hunyo 20, 1964 sa ilalim ng Republic Act No. 4133 bilang reward system sa mga motorista na walang naitalang violation sa loob ng tatlong taon.

Speak Your Mind

*