LTO-Urdaneta, aminadong matagal pa bago mailabas ang mga bagong plaka

Matatagalan pa bago makapaglabas ng bagong plaka o license plate ang Land Transportation Office (LTO) para sa mga motorista.

Ito ang inihayag ni Danny Martinez, hepe ng LTO-Urdaneta City District Office sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon pa kay Martinez, hanggat hindi naaalis ang inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema ay malabong mai-release ang mga bagong plaka ng saksayan.

Kasabay nito, tiniyak naman ng LTO na ginagawan ng paraan ng bagong administrasyon na maayos ang naturang usapin.

Nabatid na pansamantalang ipinatigil ng korte na maglabas o mamahagi ng mga bagong plaka ng saksayan ang LTO hangga’t hindi nareresulba ang isyu sa pagkakautang ng supplier ng mga naturang plaka.

Comments

  1. Kelan, mag rerelease ng driver liscene card? nakapag register this year month of May 6. I wanna make sure if pag punta ko is meron ng maibibigay na card.

Speak Your Mind

*