Mababang kaso ng kriminalidad sa panahon ng kapaskuhan, inaasahan ng PPPO

Handa na ang Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) sa pagbabantay upang mabigyang siguridad ang publiko sa papalapit na kapaskuhan.

Sa panayam, sinabi ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Officer for Operation ng PPPO na kabilang sa kanilang mahigpit na babantayan ang mga kaso ng robbey at theft lalo na sa matataong lugar.

Payo naman ni Candelario sa publiko na para makaiwas sa pagnanakaw lalo na sa gabi ay dapat iwanang bukas ang ilaw sa harapan ng bahay at siguraduhin na nakasarado ang mga pinto at bintana ng bahay.

Sakali naman aniyang pupunta sa mall, sinabi ni Candelario na ingatan ang mahahalagang gamit upang hindi ito takaw pansin sa mga kawatan.

Positibo naman ang PNP na mas mababa ang maitatalang kaso ng krimen sa lalawigan pagdating ng kapaskuhan dahil karamihan sa mga gumagawa nito ay mga taong nasa impluwensya ng ilegal na droga.

Hindi naman umano nagkakampante ng pulisya dahil isa rin sa dahilan ng insidente ng pagnanakaw ang kahirapan sa buhay.

Ang tinig ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Officer for Operation ng PPPO

Speak Your Mind

*