Magpatupad ng price freeze, hindi lang umano para sa DTI

Hindi lang umano ang Department of Trade and Industry (DTI) ang maaaring magpatupad ng price freeze matapos ideklara ang State of National Emergency ni pangulong Duterte.

Ito ang inihayag ni Marjury Loresco, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon pa kay Loresco, sa ilalim ng Consumer Price Act of 2008 maaaring din magpatupad ng price freeze ang iba pang ahensya ng gobyerno kabilang na ang Department of Health (DOH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Agriculture (DA).

Inaasahan naman na mawawala ng besa ang umiiral ng price freeze sa mga suggested retail price (SRP) at prevailing average price ng DTI sa darating na Nobyembre a-tres.

Speak Your Mind

*