Makabagong teknolohiya at pagdami ng populasyon, nakakaapekto na sa kalikasan

Bagamat sakop na ng Environmental Management Bureau (EMB) ang pagmomonitor sa usaping pagkalinisan, kasama parin ito sa monomonitor ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni PENRO Officer Wendy Co, kasama na rito ang pagbabantay sa posibleng paglabag ng mga poultry at piggery farm.

Sakali aniyang may matanggap silang reklamo ay agad nila itong ipinagbibigay alam sa tanggapan ng EMB Regional Office upang mas maging epektibo ang kanilang trabaho.

Samantala, aminado naman si Co na naaapektuhan at naaabuso na ang kalikasan ng mga makabagong teknolohiya at pagdami ng populasyon sa bansa.

Malaking ambag din umano sa pagkasira ng kalikasan ang agricultural land conversion sa ilalim ng pamamahala ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).

Speak Your Mind

*