Malacañang, ikinatuwa ang “excellent” trust rating ni Duterte

Tiniyak ng Malacañang ang tamang pamamalakad sa gobyerno kasunod ng “excellent” trust rating kay Pangulo Rodrigo Duterte, alinsunod na rin sa pinaka-huling survey ng Social Weather Stations.

Sa naturang survey, bagamat bumaba ng tatlong puntos mula sa unang survey, napanatili naman ni duterte ang “excellent” trust rating.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi naman importante ang pagbaba ng tatlong puntos mula sa positive 79 trust rating ng pangulo noong Hunyo.

Dagdag pa ni Andanar, ang mataas na trust rating ay indikasyon ng tiwala at kumpyansa ng publiko sa pamumuno ni Duterte.

Magsisilbi rin aniya itong motibasyon para sa pagsusulong ng tunay na pagbabago na naging dahilan ng pagkapanalo ni duterte sa eleksyon.

Speak Your Mind

*