MASA-MASID Program sa Pangasinan, maaari nang makibahagi ang mga kabataan

Ipinapatupad na ng Department of Interior and Local Government o DILG ang masa masid o mamamayang ayaw sa anomalya, mamamayang ayaw sa iligal na droga.

Ayon kay Rhealiza delos Santos, Local Government Operations Officers II (LGOO) ng DILG-Pangasinan, ito ay isang filipino counterpart ng Neighborhood Watch na may tamang koordinasyon sa PNP, Lgu’s at mga Barangay Officials.

Layun aniya ng MASA-MASID na hikayatin ang mga ordinaryong mamamayan mula sa barangay na makibahagi sa paglaban sa kontra korupsyon, kriminalidad at iligal na droga.

Dagdag pa ni delos Santos ang programang MASA-MASID ay hindi lamang para sa mga matatanda kundi maging ang mga kabataan ay maaari ding makibahagi sa pamamagitan ang maliit nilang kontribusyon.

Ang tinig ni Rhealiza Delos Santos, Local Government Operations Officers II ng DILG-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*