Membership ang Pag-Ibig-Fund, sakop na maging ang mga ordinaryong manggagawa

Mas pinalawak na ang membership ang Pag-Ibig-Fund upang mas maraming maserbisyuhan ng mga manggagawang Filipino.

Ito ay sa ilalim ng bagong batas na Republic Act 9679 o mas kilala bilang Pag-Ibig Fund Law of 2009 na naglalayong patatagin ang kakayahan ng Pag-Ibig na mapabuti ang kaledad ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, inihayag ni Lorenzo Ocampo, Branch Head ng Pag-Ibig Fund Dagupan na dahil sa bagong batas mas pinalawak ang sakop ng membership kasama na ang mga ordinaryong manggagawa kabilang na mga TODA at market vendor.

Sila umano ang mas dapat bigyan ng pagkakataong magtabi o mag-impok ng pera sa Pag-Ibig Fund.

Dagdag pa ni Ocampo na walang maximum limit ang halaga na maaaring ihulog sa Saving Program ng Pag-Ibig Fund taliwas sa naunang P100 na minamandato ng batas.

Speak Your Mind

*