Mga nagtapos ng B.S Fisheries Education, hinikayat ng BFAR na kumuha ng pagsusulit

Hinihikayat ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang lahat ng nagtapos ng B.S Fisheries Education na kumuha ng PRC Licensure Examination sa darating na October 13-14, 2016.

Ito ayon kay Dr. Westly Rosario, ang Center Chief ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) kung saan may ilang araw pa naman para makapag-review.

Sinabi pa ni Rosario na mahalaga na makapasa sa pagsusulit para may pagkakataon na makapagturo sa may 90 collages at universities na nagpapa-graduate ng B.S. Fisheries.

Malaki din umano ang potensyal ng mga ito na makapag-trabaho sa mga Local Government Unit (LGU’S).

Speak Your Mind

*