Mga sibilyan, ginagamit na human shield ng ISIS kontra sa mga Iraqi Forces

Ginagamit umano ng grupong ISIS ang mga sibilyan bilang human shield kontra sa opensiba ng mga Iraqi forces para mabawi ang syudad ng Mosul sa Iraq.

Inilalagay rin umano ng ISIS ang mga residente sa mga gusali na posibleng gawing target ng mga air strikes.

Ayon naman sa Pentagon, hindi pinapalabas ng ISIS ang mga residente sa naturang lungsod.

Tinatayang nasa pitong daang sibilyan ang pinaniniwalaang na-trap sa Mosul na nalalabing stronghold ng ISIS sa Iraq.

Speak Your Mind

*