Mga sumukong drugs personality sa Mapandan, sumailalim na sa drug counseling

Apat na beses kada buwan kailangang sumailalim sa drug counseling ang nasa 220 na sumukong drugs personality sa bayan ng Mapandan, Pangasinan

Ayon kay PSI Renato Galad, Deputy COP ng Mapandan PNP, kailangan nilang sumailalim sa drug counseling upang malaman kung sino sa kanila ang drug dependent at kailangan ng isailalim sa rehabilitation.

Naglaan ang mapandan PNP ng apat na beses kada linggo para sa schedule ng counseling upang magkaroon ng pagkakataong pumili ang mga sumukong drugs personality.

Kasabay nito, nagbabala naman ang PNP sa mga sumukong mga sangkot sa ilegal na droga na mahigit ang kanilang ginagawang monitoring sa kanila, kung saan tuloy-tuloy ang kanilang isinasagawang police operation.

Nabatid na sa 220 na sumukong drugs personality sa bayan ng Mapandan, 42 dito ay nakumpirmang mga drugs pusher.

Speak Your Mind

*