Michael Jackson, nanguna sa listahan ng top earning dead celebrity ng Forbes

Muling nanguna sa taunang listahan ng top earning dead celebrities si Michael Jackson.

Ito na ang ika-apat na taon na nanguna sa Forbes list ang King of Pop.

Ayon sa Forbes, nakapagtala ng kabuuang 825 milyong dolyar na kita si Jackson sa loob lamang ng isang taon.

Nanggaling ang 750 milyong dolyar sa estate ni Jackson at mga natitira sa Sony/ATV Music Publishing Catalog.

Kabilang sa naungusan ni Jackson sa Forbes list sina Prince, David Bowie at Elvis Presley.

 

Speak Your Mind

*