National Living Treasures sa Region 1, hindi umano dapat kalimutan

Naniniwala ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na panahon para ituro sa mga estudyante ang kahalagahan ng tradisyon at kulturang Filipino.

Ayon kay Dr. Edwin Antonio, hepe ng National Committee on Northern Cultural Communities ng NCCA, malaki na ang impluwensya sa mga kabataan ng Weastern at Asian Culture gaya ng k-pop at iba pa.

Giit ni Antonio na dapat mas kilalanin mula ang sariling kultura ng mga Pilipinas bago tangkilikin ang kultura ng ibang bansa.

Mayaman umano ang Pilipinas sa natural heritage gaya ng ibat-ibang linguwahe ngunit nakakalungkot aniya dahil unti-unti na itong nakakalimutan ng mga kabataan.

Maliban dito, dapat din na umanong isulong ang ating tradistional arts lalo ang ating National Living Treasures unti-unti nang nakakalimutan ng Ilocano Cuminity gaya ni Teofilo Garcia, ang casque maker at si Magdalena Gamayo na kilala naman sa paggawa ng textile weaver.

Speak Your Mind

*