NFA Western Pangasinan, handa na sa pagbili ng mga aning palay ng mga magsasaka

Nakahanda ang National Food Authority o NFA sa pagbili ng aning palay ng mga magsasaka at mga farmers association sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Chona Maramba, Administrative Officer ng NFA Western Pangasinan, sinabi nito na sa ngayon ay nanatiling nasa P17 kada kilo ang buying price ng palay.

Habang may matatanggap naman na 30 sintabo kada kilo ng cooperative development incentive fee ang mga farmers association, 20 sintabo kada kilo para sa delivery incentive fee, at 20 sintabo kada kilo para sa drying incentive fee.

Maliban dito, may ibang pang insentibo ang mga samahan ng mga magsasaka sa ilalim ng procurement program ng nfa gaya ng Farmers Option To Buy-Back (FOBB).

Kasabay nito, tiniyak naman ni Maramba na may sapat na stock ng bigas ang ahensya at handa ang nfa sa posibilidad na pagtama ng kalamidad sa lalawigan.

Speak Your Mind

*