NGCP, patuloy sa pagpapalit ng wood poles sa steel pole

Tuloy-tuloy ang mga isinasagawang pagsasa-ayos ng linya ng kuryente ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa mas mapaganda ang kanilang ibinibigay na serbisyo

Ayon kay Milma Batario, Corporate Communications and Public Affairs Officer ng NGCP- Region 1, kasalukuyan ng nagpapalit ang NGCP sa mga poste ng kuryente, mula sa wood poles, pinapalitan na ito ng steel poles.

Kasama narin aniya rito ang pag-kokorek sa mga nakikitang depekto sa mga linya ng kuryente.

Tiniyak naman ni Batario na ang mga isinasagawa nilang maintinance ng kuryente ay may tamang koordinasyon sa mga lokalidad.

Paalala naman ng NGCP sa publiko na huwag lalapit at huwag hahawakan ang linya ng kuryente kung nagsasagawa sila ng maintinance dahil sa posibilidad na pagmulan ito ng aksidente.

Speak Your Mind

*