OWWA Financial assistance sa mga Saudi OFWS, umabot na sa mahigit P19M

Umabot na sa mahigit labin siyam na milyong piso ang financial assistance ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1 sa mga Overseas Filipino Workers (OFWS) na apektado sa kaguluhan sa Saudi Arabia.

Ito ang inihayag ni Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA Region1, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan ito ay sa ilalim ng OWWA Kingdom of Saudi Arabia Relief Assistance Program (KSA-RAP).

Mula aniya ng ipatupad ang KSA-RAP noong buwan ng Agosto ay umabot na sa kabuuhang halaga na P19,302,000 naipamahagi ng OWWA sa may 1,300 apektadong ofws at sa kanilang dependents sa buong Region 1.

Sa ilalim ng programang KSA-RAP ay makakatanggap ng tulong-pinansiyal ang OFW na nagkakahalaga ng P20,000 at ng karagdagang P6,000 para sa kanilang pamilya o dependent.

Ang tinig ni Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA-Region1, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*