Pagbabalik ni Tiger Woods sa Golf ngayong buwan, naunsyami

Madagdagan pa ng dalawang buwan ang paghihintay sa inaabangang pagbabalik ni Tiger Woods sa Golf.

Umatras si Woods sa Safeway Open at sinabing hindi pa siya handa sa kanyang laro.

Unang inanunsyo ni Woods noong Setyembre na tatlong beses siyang maglalaro bago matapos ang taon.

Bukod sa Safeway Open, umatras din si Woods sa Turkish Airlines Open na gaganapin sa Nobyembre.

Nagpaabot naman ng paumanhin si Woods partikular sa mga fans sa California at Turkey kung saan gaganapin sana ang mga inatrasang laro.

Speak Your Mind

*