Pagdami ng lamok, resulta umano ng kakulangan ng isda sa bansa – BFAR

Malaking epekto sa pagdami o pagkalat ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue at zika virus ang kakulangan ng isda sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Dr. Westly Rosario, ang Center Chief ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio.

Sinabi ni Rosario, na dapat mag-alaga ng kahit anung klaseng isda sa mga bakanteng fishpond, at mga katubigan para may kakaing isda sa mga mosquito larvae.

Habang maaari naman aniyang lagyan ng mosquito fish ang mga drainage system o mga canal para may kakain din ng mga similya ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Ayon pa kay Rosario, libreng nagbibigay ng BFAR-NIFTDC ng mga similya ng isda basta magtungo lamang sa kanilang tanggapan sa Bonuan Binloc, lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*