Pagdinig ng Kamara, posibleng maulit kung maaaresto si Ronnie Dayan

Posibleng magkaroon na ng committee report ang House Justice Committee sa kanilang imbestigasyon sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Ayon kay Committee Chairman Rey Umali, napatunayan na ang kalakalan ng droga sa bilibid.

At lahat aniya ng tumestigo sa pagdinig ay nagsasabing nakinabang si senador at noo’y Justice Secretary Leila De Lima sa nasabing ilegal na gawain.

Pero para kay Umali, posibleng magkaroon ulit ng imbestigasyon ang Kamara kung maaresto ang na-contempt na si Ronnie Dayan.

Umaasa naman si Umali na makakapaghain na agad ang Department of Justice ng kaso sa mga sangkot sa transaksyon ng droga sa bilibid.

Speak Your Mind

*