Pagkapanalo ng Ginebra sa PBA, makasaysayan ayon kay Robert Jaworski

“One for the Books.”

Ganito inilarawan ni PBA Legend Robert Jaworski ang pagkapanalo ng Ginebra Kings kahapon sa PBA Governor’s Cup Finals.

Ayon kay Jaworski, maganda ang naging laro ng Ginebra at ipinakita ng mga ito ang “never say die” spirit.

Kung magpapatuloy aniya ang kanilang positive attitude, malayo umano ang mararating ng koponan.

Present kahapon sa game six ng PBA Finals si Jaworski para ipakita ang suporta sa Ginkings.

Ang tagumpay ay kauna-unahan ng Ginebra makalipas ang walong taon.

Speak Your Mind

*