Pagkonsumo o pagkain ng brown rice, patuloy na inihihikayat ng DA sa publiko

Patuloy na hinihikayat ng Department of Agriculture (DA) Region 1 ang publiko sa pagkonsumo o pagkain ng brown rice dahil sa malaking benepisyong makukuha rito.

Ito ang inihayag ni Gloria Parong, Information Officer ng DA-Regional Offices 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi ni Parong na hindi lang maganda sa kalusugan ang pagkain ng brown rice kundi makakatulong pa sa target ng ahensya na maging rice self-sufficiency ang Pilipinas.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Parong na sinisikap ng DA na mas mapababa ang presyo ng brown sa tulong ng National Food Authority (NFA) lalo na sa panahon na tumaas na ang pagkonsumo ng publiko.

Sa ngayon, mabibili na umano sa P45 ang kada kilo ng brown rice sa tanggapan ng kagaran mas mababa kumpara sa mga malalaking establisyemento.

Ang tinig ni Gloria Parong, Information Officer ng DA-Regional Offices 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*