Pagpapalakas sa bamboo industry ng Pangasinan, isinusulong ng DOST

Isinusulong ngayon ang pagpapalakas ng bamboo industry sa lalawigan ng Pangasinan sa tulong ng department of science and technology (dost).

Ito ayon kay Felix Tamolang, Deputy Director ng Forest Product Research and Development Institute ng DOST ay sa pamamagitan ng kanilang pagtuturo ng mga makabagong teknolohiya para sa mas magandang kalidad ang mga bamboo product.

Malaking tulong aniya ang pagkakaroon ng kaalaman sa paggawa ng mga produkto ng kawayaw gamit ang science and tecnology para masunod ang tamang proseso at ikagaganda ng bamboo product.

Kasabay nito, hinihikayat ni Tamolang ang mga negosyante na nasa bambo industry na sumailalim sa kanilang training upang magkaroon ng tamang kaalaman sa pagtutuyo ng kawayan gamit ang bamboo dryer.

Ang tinig ni Felix Tamolang, Deputy Director ng Forest Product Research and Development Institute ng DOST sa panayam ng sonshine radio.

Speak Your Mind

*