Pagtalakay sa Cha-Cha, sisimulan na sa Kamara

Sisimulan na ng house committee on Constitutional Amendments ang pagtalakay sa panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ayon kay Committee Chairman Leyte Representative Roger Mercado, tatalakayin ang panukala maging ito man ay para sa Constitutional Assembly o Constitutional Convention.

Imbitado sa pagdinig ang mga eksperto sa konstitusyon.

Naniniwala naman si Surigao Del Norte Representative Robert Ace Barbers na mananaig ang Conass matapos magbago ng posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang bago pa man manungkulan si duterte ay sinabi niyang nais niyang gawin ang Cha-Cha sa pamamagitan ng Con-Con pero nagbago ang isip nito nang malamang magastos ang naturang paraan.

Sa ilalim ng Conass hindi na maghahalal ng mga delegado ang publiko na siyang gagawa ng bagong konstitusyon at ang gagawa nito ay ang mga kongresista na lamang.

Isinusulong ni pangulong duterte at mga kaalyado niya ang Cha-Cha upang baguhin ang pamahalaan tungo sa isang Federal na sistema na bubuuhin ng “regional authorities” na may takdang awtonomiya mula sa national government.

Speak Your Mind

*