Pagtatanim ng PENRO sa mga kabundukan ng pangasinan, tuloy-tuloy

Tuloy-tuloy ang isinasagawang pagtatanim ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa kabundukan ng lalawigan ng pangasinan

Ito ayon kay PENRO Officer Wendy Co ay bilang bahagi sa kanilang ipinapatupad na National Greening Program na sinimula noong pang taong 2011.

Sinabi pa ni Co na mapalad ang kanilang tanggapan dahil marami silang katuwang sa pagtatanim kabilang na ang mga Local Government Unit (LGU’s) at mga Peoples Organization na rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC), at Cooperative Development Authority (CDA).

Nagsasagawa din umano ng mahigpit na monitoring ang DENR bago at pagkatapos ng pagtatanin gamit ang Geo tag photo.

Tatlong beses naman sa bawat taon binibisita ng mga tauhan ng PENRO ang mga itinanim na mga puno.

Speak Your Mind

*