Pagtatapon ng mga nakumpiskang expired na frozen meat, pansamantalang ipinatigil

Pansamantalang itinigil ang pagtatapon sa milyon-milyong expired na frozen meat na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa kaso ng iligal smuggling.

Sa panayam ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Forum sinabi ni Engr. Rosendo So, Chairman ng National Hog Raisers Federation at Samahang Industriya ng Magsasaka (SINAG) na itinigil ang pagtatapon ng mga karneng botcha dahil ito ay frozen pa.

Aniya, delikado umano kung itatapon ang mga frozen meat sa sanitary landfill ng Norzagaray, Bulacan dahil posibleng itong mapunta pa sa mga pamilihan.

Nabatid na dumating sa bansa ang mga smuggled meat mula sa mga bansa sa Amerika, Canada, at Europa noong 2014 hanggang 2015 na pawang mga expired na kayat dapat ma-disposed ito ng tama.

Inaasahan naman na makikinabang dito ang mga magsasaka dahil sasailalim ito sa composting para gawing pataba

Ang tinig ni Engr. Rosendo So, Chairman ng National Hog Raisers Federation at Samahang Industriya ng Magsasaka (SINAG

Speak Your Mind

*