Palasyo, nagpadala ng imbitasyon sa UN para imbestigahan ang extra judicial killings

Nanindigan ang malakanyang na dapat isama din sa imbestigasyon ng United Nations ang mga pagpatay sa mga opisyal ng philippine national police ng mga suspect ng iligal na droga sa bansa.

Ito ay base na rin sa sinasabi ng pangulong duterte na nasa dalawang pulis ang nalalagas sa pnp araw-araw dahil sa drug menace.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ito ang binigyang diin sa imbitasyon na ipinadala sa United Nations.

Hindi naman idinetalye ni Abella kung kalian naipadala ang imbitasyon na inaantabayanan na ang magiging tugon ng un.

Kinukumpirma naman ni Abella kung nakasaad sa imbitasyon ang kondisyon na open forum ni pangulong duterte.

Magugunitang hinamon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo noong Augusto ang un na pumunta sa pilipinas at magsagawa ng imbestigasyon sa insidente ng extra judicial killings na iniuugnay sa pangulong Duterte.

Speak Your Mind

*